For the past weeks, I was really anticipating for my 100th posting. I said I'd make it a little more fancy and memorable. But during my hiatus, I found myself having no zest in writing anything for a while. Then, suddenly just suddenly, a text message came and Im back to writing again. I failed to notice I’ve finished writing the 99th.
Akalain mong ang 100th post ko eh when friends turn to lovers haaaaay. Sabi nga ni tatay, "tinamanang magaling"! San ka pa, masakit na ulo ko dyud! Sobrang dami kasi ang nangyari ngayong linggong to. Sa school, sa church, sa office, sa bahay.
Haaaay, nako buti na lang mabait si Lord sa kin. Binibigyan nya ko ng mga simpleng bagay na magpapasaya ng araw ko. Buti hindi mala-Job ang eksena ko kundi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.
Akalain ko ba na ganung kahirap ung exam namin sa Advanced Statistics? Bakit nga ba kasi eto pa ang nakuha kong kurso. Pwede naman Masters in Accounting, at least forte ko un. Baka Summa Cum Laude pa ko dun. Hahaha joke lang.
Akalain mo din ba, na ang makakasama ko pala sa mga oras ng kagipitan ko eh ung taong madalas kong takbuhan nung bata ako (at kahit nung medyo tumanda na ko, next time ko na yun iwewento). Sobrang nakakahiya talaga.
Akalain mo ba, na isang buwan na pala ang nakalipas at babalik na galing Canada ang boss ko. Siguro naman pagdating nya di na ko maiistress masyado no?
Akalain mo yun July na pala. Kalahating taon na mga bading! Ibig sabihin kailangang balikan ang mga sinulat nung magsisimula pa lang ang taon. Tingin ko mas dapat ako mag-effort sa ibang bagay kesa ilagay ko ang atensyon ko sa isang bagay na obvious namang pumalya na. Haha, gets nyo? Ah ewan. Akalain ko bang magkakaganun! Hehe.
Akalain mo malapit na ko mag – bente otso! Wahaha. O dapat ba waaaaah. Ewan ko…
No comments:
Post a Comment