Thursday, October 29, 2009

Thea ko,

Dear thea,
Ilang oras na lang anak birthday mo na! Ang bilis no naaalala ko pa nung una kitang makita, dahil antok na si mommy sa gamot 'hi baby' lang ang nasabi ko sayo nung pinakita ka ng nurse. Love at first sight si mommy, si daddy din- nung nakita ka nya sa nursery 'colon d' ang ngiti nya. Love na love namin kasi ikaw.
3.2 kilo ka lang noon, ngayon 14 kg na. Ang taba mo anak! Wag ka magalala si mommy mataba din nung baby!
July 2 lumabas ang unang ngipin mo, ngayon walo na apat sa taas apat sa baba. Mas lalo kang naging cute ngayong may ngipin ka na!
Hindi ka natutong gumapang, oo hangang ngayon, ang gusto mo lang eh yung iusad ang pwet mo hanggang makarating ka sa destinasyon mo. Destinasyon= lugar na mayroong bagong bagay sa paningin!
Kanina inaayos namin yung mga decoration sa party mo, gusto mong guluhin lahat. Bukas anak mapapaglaruan mo din yun.
Last week, bigla mo na lang hinalikan si daddy. Bakit ganun? Ako nagtuturo sayo pano kumiss ah! Pero ok lang pareho naman nating love si daddy.
Ngayong buwan ka lang din nagsimulang umaction sa itsy bitsy spider saka I have 2 hands. Ang tagal ko tinuro yun, syempre kay daddy mo ulit unang pinakita!
May kiliti ka sa leeg, sa kilikili saka sa binti! Sarap mong tumawa, nahahawa lahat ng makarinig.
11pm na. Ganitong oras noong isang taon gusto mo ng lumabas, pero hinintay mo muna si daddy na dumating galing airport. Ayos talaga timing mo anak!
Ngayon nga mag 1 taon ka na!
1 taon anak! alama mo bang sobrang saya namin sa buong taon na yun? Medyo kumukulit ka na pero ok lang kay mommy, wag lang sosobra hano? Alam mo na naman ang 'No' sana paglaki mo susunod ka pa din samin.
antok na ko, ikaw kanina pa tulog, naghihilik na nga eh. Basta lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal ka namin ni daddy ha. Happy birthday Thea ko.
Love,
Mommy

No comments:

verse of the day