Thursday, July 31, 2008

mommy notes

Nung nagtanong ako pano ba mafifeel ko pag manganganak na?

Sabi ni ate leng:
Una may lalabas na mainit na tubig. Alam mo ung feeling ng dysmenorrhea? Ganun times 3 or more. (Nyaiy, scary)


Sabi ni ate La:
Mafifeel mo na lang magcocontract. Una 30 minutes interval tapos pa-ikli ng paikli. Sabi ni tita minnie pumunta daw ako sa hospital pag may blood stain na sa panty ko.


Sabi ni Chie:
Basta sabi ng OB ko, takbo ako sa hospital pag: 1. may tumulo, hindi lang basta nabasa si panty, basta tumutulo talaga. 2. may blood 3. brown discharge pero may kasabay na regular contractions.

Minsan nafi-feel ko na masakit yung tiyan ko (parang napu-poop)pero pag nagbanyo ka wala naman. tapos mamaya, mawawala na. sabi tita ko, ganun daw start ng labor. malamang daw nagsta-start na ako mag-false labor. practice na ng katawan ko.


28 weeks na ang lola nyo! Unang linggo ko to sa third and final trimester ko. Sandali na lang to mga bading!!! Ayyyyy sobrang excited na anxious na ewan ako ngayon.

At least, allowed na magshopping di ba? Yey yey! Hmmm, wala pa pala ko list. Patulong naman. =P

Better yet, i'll come up with a list and post it here next time. Para mapili nyo na kung alin ang gusto nyong ibigay kay baby. hehehe. Ehem ehem, hi Ninong Mark!

No comments:

verse of the day