Friday, February 13, 2009

Bloopers

Here's some bloopers in the Philippines I will surely miss!

Sa LRT-taft going LaSalle super nagmamadali na ako kasi hahabulin ko ung 6:15pm class ko, nakikipagsiksikan ako para maunang pumasok sa paparating na train nga biglang sabihin nung lady guard "di yan magsasakay ESCAPE TRAIN yan" (hehe, skip train)

Eto kwento lang ni Jojo: Sa bus papuntang Guadalupe, ung isang ale sabi sa driver "Manong sa Australia lang" Nagulat si manong sabi sa kanya, eh mag-eroplano po kayo! (Pupunta pala si ate sa Estrella!)

Nung nag-inquire ako para sa make-up for my wedding, super excited yata ung bading na tinanong ko! Ulet ulet nya kong inalok sabi nya, Ma'am maganda po ang fackage ko! Complete fackage na po un! Sige na Ma'am aling fackage ang gusto nyo? Natatawa na kami ni Minette di pa rin nya nahahalata! Ayaw ko nga ng package nya no? Buti na lang si Lawrence Palma ok ang package!!!

Si Jed napagalitan ni Tita Mai kasi may pinaglalaruan na naman ung hindi dapat paglaruan (gets?), sinumbong nya si Tita Mai kay Mommy nya "Mommy sabi ni Tita Mai Don't ebi that" Translation "Dont Play with that"

Kahapon, tumawag si Alvin overseas from Brunei. Medyo may katagalan kasi nakapagbike na si Kiel sa labas pagkabalik nya di pa din kami tapos. Tinanong nya si Michelle "Ate Michelle bakit ang tagal nilang magusap?" Hahaha, imonitor daw ba? Paglaki mo Kiel maiintindihan mo din =D

No comments:

verse of the day